APL youth calls for student and labor rights

Today, Alliance of Progressive Labor Youth joins the thousands, millions and billions of people worldwide in the 60th Anniversary of Universal declaration of Human Rights. Sixty (60) years of existence , and decade of struggle of the Filipino specially young workers to feel the existence of this policies that the Philippines Government is one of the Signatories.

The Philippine Government specially the this evil regime of Gloria Macapagal Arroyo continually stolen our rights through anti-labor and anti-youth policies, programs and practice such as;
1) Massive Contractualization
2) Drastic growth of Unemployed and Underemployed in the country
3) Unrecognized Student Rights
4) Commercialized, irrelevant and poor quality education that leads to the drastic growth of Out of School Youth (OSY) as well as deterioration of Philippine Education
5) Political and Extra Judicial Killings of the Youth

With this, we call the Philippine Government to stop there illusion that our economy is strong in the midst of present crisis and irrationally push for Charter Change that only protects their vested interest. Instead of Charter Change, push and implement genuine reforms that recognize our rights to;
1) Full Employment
2) Organize
3) Freedom to peaceful assembly
4) Freedom of Expressions and Opinions
5) Education

We also call the public specially the youth to mass up and denounce the lies that lied behind the Charter Change push by the illegitimate President Gloria Macapagal Arroyo with her cronies and allies!

RODEL P. ABENOJA
APL Youth National Chairperson

Advertisements

19 thoughts on “APL youth calls for student and labor rights

  1. Paunawa:

    Dahil na rin sa artikulong aking nabasa, aking ibinabahagi ang isang liham na aking ginawa kanina lamang patungkol sa ilang usapin sa paggawa. Marahil ay mayroon sa mga mambabasa ang may magandang maimumungkahi na ikinagagalak kong matanggap. Salamat po.

    —————————–

    Enero 21, 2009

    Sa mga Kinauukulan (Department of Labor and Employment);

    Magandang araw po. Nais po sana naming isangguni at humingi na rin ng tulong tungkol sa reklamo naming mga empleyado sa PROV INTERNATIONAL, isang indiyanong kumpanya na may opisina sa 37F GT Tower International, Ayala Avenue cor. H. V. dela Costa St., Makati City, hinggil sa ilang aspeto ng pamamalakad na sa aming pang-unawa ay hindi alinsunod sa mga kasalukuyang batayan at mga alituntunin sa ating Labor Code.

    Karamihan po sa amin ay mga IT Consultants at dahil na rin po sa aming propesyon at sa mga lokasyon ng aming mga kliyente at proyekto, kami po ay napipilitan o obligadong magtrabaho ng lampas sa walong oras maging araw man o gabi ng kadalasan ay wala man lang Night Differential Pay o Overnight Pay. Dahil na rin po sa pagsunod naming sa oras at kalendaryo ng mga kliyente, madalas din kaming magtrabaho maging Holidays man po o Weekends ng walang karagdagang bayad o Holiday Premium.

    Ang pagbabayad sa amin ng kumpanya hinggil sa Overtime Pay, Night Differential at Holiday Premium ay hindi regular at dahil na rin po sa kagustuhan ng kumpanya na mawala ito at makatipid sa gastusin ay kinakailangan ng bawat empleyado ng abiso at magpasa ng mga kaukulang forms na pirmado ng Vice President for Delivery na isang Indiyana upang mabayaran ng Payroll Department ang anumang karagdagang bayad. Magkagayunman, naging labis na napakahirap po ng pagkuha ang pirma ng nasabing kinauukulan kaya kadalasan nagdudulot ng di pagbayad ng kumpanya ng anumang nararapat sa isang empleyado.

    Marami po dito ang halos magdamagan kung magtrabaho sa opisina at kadalasan pa ay on-call pag-uwi ng bahay ngunit hindi nababayaran ng tama. Dahil sa kagustuhan ng karamihan sa aming pagsilbihan ang mga kliyente ay wala na lang din sa aming naglalakas loob na umimik. May isang pagkakataon din po noong June 2008 ng hindi kami nakatanggap ng sahod sa isa sa aming mga kinsenas dahil raw po kailangang maglagay ng buffer ng kumpanya sa cashflow at idelay kami ng isang kinsenas. Marami sa amin ang nabigla dahil na rin sa kakatapos pa lang na enrollment ng mga mag-aaral at karamihan sa amin ay mga magulang na gipit din. Wala pong naging mga kasulatan o abiso na pormal dahil na rin iniiwasan ng mga nasa itaas ang anu mang dokumentong pwedeng gawing ebidensya kung may magreklamo man. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik ang kinsenas na kanilang hindi binayaran noong June 2008.

    Wala rin pong Security of Tenure dito. Marami rin po sa aming mga katrabaho ang natanggal dahil na rin po sa redundancy na kanila na lamang pong pinapagawan ng resignation letter at binabayaran para pumayag kahit na sila ay pawang mga regular na empleyado na. Noong Disyembre 2007 at maging noong July 2008 ay ilang mga regular ang kanilang tinaggal due to retrenchment. Noong Disyembre 2008 ay kanila pong tinaggal din ang isang manager sa loob lamang ng isang araw dahil sa di pagkakaunawaan at loss of confidence. Siya po ay pinilit na magbigay ng resignation letter para mabayaran at maisakatuparan ang pagtanggal sa kanya ng walang kumplikasyon. Ito marahil ay ginawa upang maipakitang boluntaryo ang pag-alis ng nasabing empleyado. Ito po ay aming nakikita na isang anyo ng Constructive at Illegal Dismissal. Sa araw ding iyon ay pinatanggal ang kanyang mga gamit at pinaalis ng opisina ng biglaan. Ilan din po ngayong Enero 2009 ang nawalan din ng trabaho dahil sa kawalan ng seguridad.

    Lahat din po ng nasa Upper Management ay mga dayuhang Indian at Amerikano. Karamihan sa kanila ay nagpupunta ng Pilipinas at nagtatrabaho ng Tourist Visa lang at pawing ang pakay na nakasulat sa mga Invitation Letter ay para makilahok sa pagpupulong ngunit layunin pala ay magtrabaho at manirahan. Dito na rin po sila kadalasan kumukuha ng kaukulang permit na gusto po rin naming ipabusisi upang mai-ayon sa kung ano man ang nakasaad sa batas at kung sila rin ba ay pinapatawan ng tamang buwis n gating bansa sa kanilang pagtatrabaho dito. Marami naman po sa ating kababayan ang may mataas na qualifications para sa mga naturang posisyon sa management ngunit wala pa ring pinoy ang kanilang tinatanggap. Bagkus ay mga dayuhan po ang kanilang kinukuha na pawing walang alam sa ating mga batas.

    Halos ilan din po sa amin ang pinapadala sa ibang bansa upang magtrabaho mula tatlong buwan hanggang pito o walo ng hindi dumadaan sa POEA. Ang layunin na nakasaad sa aming mga papeles ay upang magsanay at makipagpulong bagkus ay trabaho ang aming ginagawa sa mga buwan na kami ay dumadayo sa ibang bansa. Ang ilan sa aming mga kasamahan ang ngayon ay halos mag-iisang taon na sa ibang bansa na hindi man lang naipapadaan sa POEA ang mga dokumento. Sa aming nakikita ay nagiging Recruitment Agency ang aming kumpanya dahil na rin sa Staff Augmentation Services na dala nito. Subalit wala naman kaming nalalamang kaukulang permit mula sa POEA at OWWA upang ang aming kumpanya ay mangalap at magpadala ng tao sa abroad upang magtrabaho. Nais po rin naming itong ipabusisi.

    Isa pa rin po sa aming reklamo ang kawalan ng bentilasyon rin sa gabi dahil na rin patay ang aircon ng building ay halos naging pasakit sa ilan sa aming nagtatrabaho sa gabi, sa mga weekends at tuwing may holidays. Mabuti na lamang at ilan sa amin ang nanguna sa paghingi ng electric fans man lang upang maisaayos ang kundisyon. Wala rin po kaming nurse o taong nakalaan para sa pangangalaga ng health and safety o maski man lang basic first aid na kinakailangan sa isang kumpanya na halos 150 katao ang laki.

    Sa mga nabanggit po sa itaas, nais po sana naming humingi sa inyo ng pagkakataon na maiwasto kung ano man po ang mali sa pamamalakad ng kumpanya sa pamamagitan ng isang Site Visit o Inspection upang inyo na rin pong masaliksik at mapatotoo ang mga nabanggit na bagay-bagay, mabusisi ang aming Payroll patungkol sa mga hindi nababayarang Overtime Pay, Night Differential at iba pang mga premiums at ang pagbusisi sa aming mga HR Policies pati na rin po ang iba pang mga bagay na maaring maiwasto upang maging kaaya-aya ang aming kundisyon sa kumpanya.

    Layon po naming ang pagbabago at pagwawasto ng mga mali at hindi ang pagwasak ng reputasyon ng kumpanya. Nais rin po naming ibigay ng kumpanya kung ano man ang nararapat at wasto. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming Salamat po.

    Ang inyong lingkod,

    ANONYMOUS EMPLOYEE

  2. Nais kong makiayon sa hinaing at paghihirap ng marami sa ating mga kababayan na nagtratrabaho ngayon sa mga mapanupil at mapagsamantalang mga kumpanya na pinamumunuan nga mga banyaga.

    Marahil napakahirap isipin na sa sarili mong bayan, ikaw ay panghahawakan at tratratuhin ng di maganda ng mga banyagang tulad ng mga indiyanong negosyante na nabanggit sa liham. Silang mga dayuhan ay siya ring mga yumuyurak sa ating kasarinlan bilang Pilipino, ngunit wala tayong magawa kung hindi sumunod dahil sa kailangan natin ng trabaho at pera na tutustos sa mga araw araw nating pangangailangan.

    Tama ka Concerned Filipino Worker sa iyong ginawa, at saludo ako at tumayo ka para matulungan ang iyong mga kasamahan na maituwid ang panglalamang ng mga abusadong mga negosyante na yan. Dapat marahil mas maganda, ipabalik yang mga yan sa kanilang mga bansa at dun na lang manirahan.

    Wala akong tuwirang galit sa mga dayuhang amo, ngunit ang init ng dugo na nararamdaman ko ay sa mga mapanuring at mapagsamantalang tulad ng mga yan.

    Ako po ay nananawaga sa mga taga DOLE na sana po ay paigtingin natin ang mga batas ukol sa mga ganitong pangyayari. Upang maprotektahan natin ang ating mga kababayan sa mga abusado, talamak at di makataong pamamalakad ng mga ibang dayuhan.

    Juan dela Cruz

  3. Isang pag-uulat:

    Noong kamakailan lamang po ay naiulat sa amin ang pagbisita ng isang opisyal ng DOLE para tugunan ang panawagan ng mga empleyado ng PROV INTERNATIONAL. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga empleyado na ipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa mga pang-aabuso at mga gawaing di alinsunod sa mga batayan sa paggawa. Dahil dito, 23 na empleyado mula sa iba’t-ibang departamento ang lumahok at nagbigay ng kanilang pangalan at lagda bilang patunay na makatotohanan at hindi BASELESS ang mga isyung inihayag ng mga ito.

    Nakakalungkot lamang na napaulat din mula mismo sa isang malapit sa mga dayuhan na ang kanila mismong Vice President at isang malapit sa mga dayuhan na Senior Project Manager at Practice Lead ng isang COE na isang pinoy ang napaulat na nagpupumilit na udyukan ang iba na lumahok sa nasabing pagpupulong at porum upang mag-“ESPIYA” at kilalanin ang mga empleyado na mag-iingay at magsasalita laban sa kumpanya.

    Ito ba ay tama at makatarungan? Hindi ba’t nakakahiya ang ganitong asal na kung saan sa halip na udyukan mo ang mga tao mo na lumahok sa isang pagtitipon na layon ay maiwasto ang mga mali ay ikaw pa mismo ang nagtuturo sa mga ito na magtaksil at maglinlang ng kapwa? Marami ang nawalan ng trabaho hindi dahil sa krisis na pang-pinansyal ng bansa kundi dahil sa mga taong katulad ng mga nabanggit na walang ibang inisip kundi ang kanilang kapakanan at pagsulong ng kanilang mga makasariling adhikain.

    Sabi nga ng guro ko sa physics – “what goes up, must come down”. Hindi man namin makuha ang hustisya at pantay na pagrespeto sa aming karapatan, alam namin na darating ang araw at mauunawaan ninyo lalo na sa mga taong nagbubulag-bulagan na ginagawa namin ito para maiwasto ang mali at mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawang katulad nating lahat. Sana ay mabuksan ng isyung ito ang kamalayan ng sambayanan sa usapin ng paggalang sa karapatan ng nakararami.

    Naghahayag lamang po ng saloobin at opinyon.

  4. Salamat sa iyong paguulat, dakilang manggagawa. Bilang isang ex-employee ng PROV INTERNATIONAL na nakaranas din ng ma-anomalyang pamamalakad ng management ako ay nakikiramay sa inyong mga pasakit. Nawa’y may magandang idulot ang pakikipag-usap ng DOLE sa mga namamahala ng kumpanyang iyan.

  5. Bilang isang empleyado ng PROV, nakikiayon po ako sa inyong hinaing. Nalulungkot din kami sa pagkawala ng ilang empleyado na naging parte ng rin ng aming pang araw araw na buhay. Mas nakakalungkot lang isipin na ang mga naturang empleyadong gustong mapalapit sa mga nakakataas ay gagawin ang lahat kahit na yurakan ang pagkatao ng sariling mga kababayan. Tayo naman po lahat ay nagkakaisa na matuwid ang mga pagkakamaling ito na nadesisyunan na ng nakakataas sa ating kumpanya na ang naging basehan ay ang kaisipan ng mga ilang mga empleyadong mga SIPSIP! Tapos sasabihing ang pagsangguni ng mga hinanaing sa DOLE ay BASELESS. Sana lang po matugunan agad ng mga kinauukulan sa DOLE ang ating mga hinaing.. sa mga mambabasa ang mga susunod na linya ay kuha sa isang email ng aming nakakataas..

    “We have the comments from DOLE wherein most of them were about practices from the past and many are not be relevant to our current business practices.”..

    “Many of the employees of ProV have reached out to say that these allegations are baseless..”

    “I thank all the people who reach out to us and extended their support and convey these issues are baseless..”

    Kung sino ka mang bulok na isdang nagpapaSIPSIP, mahiya ka naman sa iyong balat!

  6. ISANG LIHAM MULA SA MAY-ARI NG PROV INTERNATIONAL

    Isang liham ang naipadala sa amin ng mga natitirang empleyado ng PROV INTERNATIONAL mula sa CEO nito na si AJIT NAIR na pinadala ng VICE PRESIDENT na si RITA BASU sa buong kumpanya upang pasinungalingan ang mga reklamo at ideklarang BASELESS ang mga ito dahil na rin daw sa pagsuporta ng mangilan-ngilang empleyado na tapat sa kumpanya. Ito ay aming inilalathala upang bigyan ng pagkakataon ang panig ng kumpanya na marinig ng nakararami.

    LUPON NG MGA NAGKAKAISANG EMPLEYADO NG PROV INTERNATIONAL

    ++++++++++++++++++++++++

    From: Ajit Nair through Rita Basu
    Sent: Thursday, February 12, 2009 1:34 PM
    To: PROV Philippines
    Subject: Message from our CEO

    As some of you are aware, an official from DOLE visited ProV to review the practices within ProV. We have the comments from DOLE wherein most of them were about practices from the past and many are not be relevant to our current business practices. I have looked into some of these allegations and ‘am sure this issue will be behind us soon. I want to reiterate to you all again that ProV is a global firm and have adhered to policies globally and IF certain regulations have not been met with, ProV will meet it.

    Many of the employees of ProV have reached out to say that these allegations are BASELESS and I appreciate their support. This complaint was made by a couple of people and situations like this unfortunately affect the momentum and focus of the regular and hard working employees of a company. I want to make sure that people who aspire for their positive career progression and people who are hardworking are not affected by this. ProV will deal with DOLE quickly and effectively and resolve all the allegations.

    It is important that we stay focused on our work and continue to perform our day-to-day responsibilities to our team, managers and importantly to our customers in the same manner as we have done before. Let us not lose focus of the quality and timeliness of the deliverables which we have committed to our esteemed clients. I will be in Manila in a few days and as always will meet with the team and address any questions or concerns.

    Again, I thank all the people who reach out to us and extended their support and convey these issues are BASELESS and Im sure ProV will continue to support and work well with you in the future.

    Ajit Nair
    CEO – ProV International
    New York, New York, USA.
    Cell # 1-408-887-0760
    Email : ajit.nair@provintl.com
    Website : http://www.provintl.com

  7. UNANG REAKYON SA LIHAM NG CEO NG PROV INTERNATIONAL

    From: Concerned Employee #1
    To: PROV Philippines
    Sent: Thursday, February 12, 2009 7:30 PM
    Subject: RE: Message from our CEO

    Hi Everyone,

    I just don’t understand why some employees would reach out and say that the allegations were baseless knowing that these complaints were from the employees themselves. I was in the meeting with the DOLE representative and I saw the participation coming from the employees.

    How can we say they’re baseless if many of us are having difficulty having our night differentials approved when it should have been automatic?

    However, I still respect those who said that the allegations were baseless. We all have different opinions on different issues.

    Pardon me for this. I’m just expressing my sentiments which I believe is included in my right to freedom of expression. We are in a democratic country. I’m just a concerned employee trying to voice out.

    Concerned Employee #1

  8. IKALAWANG REAKYON SA LIHAM NG CEO NG PROV INTERNATIONAL

    From: Concerned Employee #2
    Sent: Thu 2/12/2009 8:54 PM
    To: PROV Philippines
    Subject: RE: Message from our CEO

    Hi Sir Ajit,

    I am a concerned employee of ProV International Philippines. You are saying many of the employees of ProV have reached out to oppose the allegations thrown to the company. I was in the meeting yesterday and I have seen that most of the employees are there and are explaining their opinions and I am assuring you that they are not in favor of ProV.

    How many employees are we talking about here sir?. You would not give me their names but can you at least give me their positions and department to prove that this mail of yours is true because honestly I don’t believe that there are such employees especially after what had happened to their friends during these past few weeks. Unless those employees are selfish and heartless people.

    With regards to the other employees who are fighting for their rights I think they have their bases and proofs because it is non-sense, unwise and unfair to accuse a company of something they have not done. I am just explaining my side since this is a free country and everyone has the right to express his/her feelings and sentiments. Thanks.

    Regards,
    Concerned Employee #2

  9. IKATLONG REAKYON SA LIHAM NG CEO NG PROV INTERNATIONAL

    From: Concerned Employee #3
    Sent: Friday, February 13, 2009 8:30 AM
    To: PROV Philippines
    Subject: RE: Message from our CEO

    I’m agree. How can we say the issue are baseless like most of us is difficult to approve the night diffrential such away our client need us to call at night? The most of employees would not say is a baseless issue regarding the complaint were from employees themselves. I was there in the meeting too with dole, most of the people of the employee gathered and they are express themselves of their opinion. And this is my point of view of what happening in the company. Thanks

    Concerned Employee #3

  10. Sadyang napakahirap itama ang mga isyung kinakaharap ng mga empleyado ng PROV INTERNATIONAL ngayon dahil maliban sa panahon, nahaharap ang nakararami sa pangambang mawawalan sila ng trabaho kung sila at magsasalita at mahirapang humanap ng trabaho dahil na rin sa krisis. Marami rin sa mga iba na nais isulong ang kanilang mga pansariling adhikain ang lumalapit at nagsusumbong mismo sa kumpanya laban sa mga empleyado dahil na rin sa kagustuhan nilang isalba ang kanilang mga sarili at trabaho.

    Nakakalungkot. Ginagamit ng kumpanya ang krisis upang linisin at alisin ang mga empleyadong sumasalungat sa mga maling gawain at sinasamantala nito ang mga suliraning pang-ekonomiya upang magtanggal ng mga empleyado bilang paraan ng pagtitipid dahil mas madali ngayong palaruin ang mga batas kumpara sa normal na panahon. Sa gitna nito, may mga ilan sa ating mga kababayan at kasamahan ang ayaw makiisa kahit pa nagsasalita na ang nakararami.

    Marami na ang mga nabanggit sa itaas na mga pahayag at saloobin ng mga manggagawa ng naturang kumpanya. Nawa’y sa lahat ng paglalakas-llob ng ilan at makuha namin ang inyong suporta at maitama ang anu mang mali na ginagawa ng mga indiyanong namamalakad sa pangunguna nila AJIT NAIR, ang may-ari, RITA BASU at VENKAT RAM, mga bise-presidente at SARAVANAN CHANDRAN, ang namamahala sa pinansyal.

    Nais rin namin sanang maliwanagan ang isa sa aming kasamahan at kababayan na isang Senior Project Manager at kasalukuyang Java Practice Lead na umano ay isa sa mga tumutulong na ikubli ang mga maling gawain ng kumpanya. Napag-alamang sinubukang alukin din nito ang isa sa mga tauhan niya kasama si RITA BASU na lumahok sa pagpupulong kasama ng DOLE upang mag-ESPIYA at ipagbigay alam sa mga namamahala ang mga pangalan ng empleyadong nagrereklamo at nagpapahayag ng saloobin sa DOLE.

    Mabuti na lamang at hindi pumayag ang tauhan na ito na makilahok sa planong pag-ESPIYA sa loob ng pagpupulong na pinangunahan ni Mr. Manny Cayabyab ng DOLE-NCR. Isang batang Indiyano rin na empleyado at pamangkin ng CEO na may pangalan na DILIP MENON ang nagtangkang pumasok at makilahok sa pang-ESPIYA SA PAGPUPULONG sa utos na rin ng mga nabanggit na namamahala ng kumpanya. mabuti na lamang at hindi ito pinagbiyan ng nasabing DOLE official dahil na rin sa mga alinlangan at pangamba dahil sa relasyon nito sa may-ari.

    Marami ang nagiging hadlang sa aming kagustuhang maitama ang mga mali sa pamamalakad ng kumpanya. Sana ay maipabatid namin sa mga miyembro ng APL at mga mababasa ang paghingi namin ng tulong at mga payo ukol sa mga pamamaraan ng pagresolba sa aming suliranin.

    Nawa’y matulungan kami sa aming mga hinyaing sa lalong madaling panahon bago pa kami matanggal sa trabaho dahil sa pagpapahayag ng aming mga ideya at paniniwala. Maraming Salamat.

  11. Labis akong nagagalak sa mga nasusulat na kaisipan na siya lamang patunay na may mga ilan pa rin sa atin ang may lakas ng loob na magsalita maging tago man sa mga bansag at alyas. Marami sa mga nagsalita ang lantarang naghayag na ng kanilang mga saloobin at ang iba ang nanguna sa mga pagkilos upan maiparating sa kinauukulan lalo na sa DOLE ang mga isyung nabanggit sa itaas. Datapwa’t naging makabuluhan ang mga sakripisyo at mga paghihirap na ating sinimulan, nais kong manawagan sampu ng ating mga kasapi na manatiling nagkakaisa at pag-isahahin ang sigaw para sa pagbabago at kaayusan.

    Batid ko na kasabay ng isyung ito ang panawagan natin sa mga namumuno maging indiyano man o pinoy na maging totoo sa kanilang sarili at responsibilidad. Lahat naman sa atin maging sila na namumuno ay may mga pagkukulang at pagmamalabis sa kanilang mga tungkulin at posisyon ngunit hindi pa huli ang lahat. Marami sa mga kasamahan nating pinoy na nabigyan ng posisyon ang marahil ay ginamit ang oportunidad upang umangat ang kani-kanilang mga sarili kasabay ng paglimot sa kanilang mga nasasakupang kasamahan. Wala naman ding masama sa hangaring itaguyod ang kanilang mga mithiing pansarili ngunit mas mainam sana na kasabay ng kanilang pangarap ang pagyakap sa responsibilidad at misyon na palaguin at tulungang umangat din ang kanilang mga kasamahan.

    Napansin ko rin na marami sa mga namumuno maging pinoy man o indiyano ang nananatiling tikom ang bibig at bulag ang mga mata sa kadahilanan mas nanaisin nilang ilagay ang kanilang sarili sa ligtas na estado dahil na rin sa kahirapan ng buhay ngunit hindi ba’t ang mga pinuno dapat ang manguna sa pagbabago at pagganap bilang tulay at boses ng nakararami? Marahil ay takot sila sa mga sinapit ng iilan na mula’t sapol at nagsasalita at ipinaglalaban ang mga kaisipang layon ay itaguyod ang kaayusan at kabutihan para sa mga nakararaming manggagawa. Marahil ay takot silang mabansagang mga oposisyon at mga pasaway katulan ng mga iilan. Maaari rin namang wala lang din silang pakialam sa mga nangyayari dahil matataas na rin ang kanilang sahod at kahit papaano ay alam nilang malakas sila sa nga dayuhan.

    Nakakalunos isipin na may mga mangilan-ngilan sa atin ang ganito mag-isip ngunit wala naman rin tayong karapatang husgaan sila dahil lahat tayo ay may karapatang pumili at tumayo sa kung ano ang ating pinaniniwalaan. Labis kong ikinalulungkot ang mga iba ring nabansagang mga tagapagtaguyod ng proseso at mga maestro na sa industriya dahil sa kanilang kawalan ng aksyon sa mga isyu lalo na ang mga ibang nabigyan ng titulo at sertifikasyon pa sa pamumuno ng tao at proyekto na hindi man lang nila nagagamit sa tama. Bagkus, sila pa ang nagmistulang mga tuta ng kamalian. Sayang. Alam na natin ang mali at alam na natin ang dapat na isagot. Nawa’y matuto tayong manindigan at tanggapin ang katotohanan na kailangan natin ng pagbabago upang maging ganap ang ating kamalayan at ito ay magsisimula kung ikaw ay kikilos at magsasalita.

    Maraming maling gawain ang lantad na sa publiko at sa lahat ng mga manggagawa ng PROV INTERNATIONAL. Marami ang gumagamit ng proseso at polisiya na kailan lamang nagawa upang limitahin at laruin ang mga batas at bantayan sa panggawa. Marami ang sa atin ay nagbuwis ng pawis, oras at talino para lamang matapos ang mga proyekto, panatilihing masaya ang mga kliyente at kumita ng marami ang kumpanya maging ordinaryong araw ,man, gabi or tuwing may okasyon man na hindi man lang binayaran ng tama o sapat sa oras na naitala. Ito ba ay dahil lamang sa kawalan ng kaalaman ng mga namumuno sa tama o sadyang pandaraya? Kayo na ang maghusga at magsabi. Ang sa akin lang, batid ko ang mga kamalian at pagkukulang ng kumpanya, mga namumuno at ang bawat isa sa atin at alam ko na nararapat lamang na ayusin ang lahat upang lahat tayo ay makapagsimulang muli. Hindi layon ng mga nanguna sa pagsigaw at pagkilos ang pabagsakin ang kumpanya na nagpapakain sa ating mga pamilya bagkus ay nais lamang nating lahat ang pagbabago at kaayusan base sa mga tamang batayan at batas panggawa ng bansa.

  12. Please refrain from sending comments related to ProV that have no bearing as it only makes things worse. Instead of making people know the real truth about what is happening at ProV, certain people cloud the truth. Ajitha ang itawag mo sa akin and Elmo Tagaroon, please, Let’s be real! Your comments are not helping. It only makes it look that you’re Pro-Management, and that certain people in the know already know who you are. so please don’t be a straw!!!!

  13. ELMO TAGAROON… sadya ba ang paggamit mo sa bansag na yan upang idawit sa mga usapan na ito ang ibang tao na nananahimik o sadyang nagkataon lamang ang paggamit mo ng alyas na iyan?

    Malaya naman tayong magpahayag ng saloobbin ngunit huwag mo sanang ipakita na tangan mo ang katauhan ng isang tao na hindi naman ikaw maging ito ay sadya man o hindi.

    Napakaraming pangalan at salita na maaaring gamitin. Kung sa tingin mo na hindi akma ang iyong mga saloobin sa paksang nabaggit, marahil ay magbasa ka na lamang at huwag ka nang sumali pa sa usapan.

    Iginagalang ko ang iyong mga nasabi ngunit hindi ko gusto ang paggamit mo ng bansag lalo na kung ito ay maaring maglagay ng implikasyon at maling impresyon sa mga nakakabasa kung sino nga ang nasa likod ng mga salita.

    Nawa’y naiintindihan mo ang pakiusap ko. Ang isyu dito ay ang mga kamalian, pagmamalabis at pang-aabuso ng PROV INTERNATIONAL at nang mga dayuhang namamahala. Layunin namin ang itama ang mga ito sa pamamagitan ng nagkakaisang panawagan gamit ang website na ito. Maraming salamat.

    Gayundin ang mensahe ko kay “AJITH ANG ITAWAG MO SA AKIN”!

  14. Paalala:

    Ang mithiin natin ay mapabuti ang kalagayan ng mga natitira pa nating kaibigan at kasamahan sa PROV INTERNATIONAL sa pamamagitan ng paghahayag ng mga malin gawain at pagmamalabis na sa tingin natin ay taliwas sa mga batayan ng makatarungang paggawa.

    Dahil dito, nais ko sanang magbigay ng paalala na lahat na tanging mga komento lamang na patungkol sa paksang tinutukoy natin ang tatangkilikin natin sa pahinang ito na nagsisilbing pansamantalang tala ng ating mga kaisipan.

    Nais din naming bigyan ng babala ang mga sumusunod na gumamit ng basag na AJITH ANG ITAWAG MO SA AKIN, ELMO TAGAROON at ETHA ROSALES na magbigay sana ng respeto sa paksang tinatalakay at sa mga tao at pangalan na kanilang nabanggit kani-kanina lamang.

    Itong pahinang ito ay sinimulan natin sa pag-asang mailalabas natin ang ating mga hinaing sa isang paraang mapayapa at tahimik. Kung ang layunin ng iba na magawi at mapabasa sa mga nasusulat dito ay guluhin at paglaruin ang mga saloobin at kaisipang naitala, sana ay bigyan ninyo ng paggalang ang mga tao na naghirap at patuloy na naghihirap para itaguyod ang isang layuning ikakabuti ng lahat.

    Maraming Salamat.

    Maraming Salamat.

  15. Natuwa ako nung una kong mabasa ang site na ito. Ang unang sinulat ni Concerned Filipino Worker ay may saysay kahit na hindi ako sang-ayon sa lahat ng punto. Sa mga sumunod na komento, ako naman ay nalungkot dahil sa aking tingin ay parang mga bata nalang ang nagsusulat at walang magawa kundi magreklamo ng magreklamo pero wala naman kahit isang konkretong alternatibo na maipanukala para umayos ang pamamalakad sa ProV.

    Ang sinulat ni Elmo Tagaroon ang sumunod na komento na nabasa ko na me saysay, at may praktikal na pananaw sa mga problema ng kinakaharap ng kompanyang ProV.

    Ayos na sana eh. Kaso parang hindi ata patas ang site manager dito. Bakit kaya binura ang mga komento na taliwas sa paniniwala ng nagpaumpisa ng talakayan na ito? Ayaw ba ninyo na magkaroon ng talakayan para mapagusapan ang punto nyo at punto ng mga d sang-ayon? O baka takot lang talaga kayo na harapin ang katotohanan na meron talagang krisis na pinansyal sa mundo ngyon at masakit man tangapin ay kailangan talagang magbawas ng mangagawa ang ProV para lamang maisalba ang trabaho ng nakakarami? Mas nanaisin nyo ba na gumulo ang ProV at malugi nalang at mawalan lahat ng trabaho ang lahat para lang mapagbigyan ang mga ‘childish whims’ ninyo?

    Ang aking hiling lang ay pagbigyan magsalita ang gustong magsalita at huwag burahin ang mga komento na hindi sumasangayon sa inyong mga pananaw. Mga kaibigan, nasa demokrasya tayo at lahat tayo ay may karapatan na mapakingan sangayon man o hindi sa ating mga paniniwala.

  16. Paalala sa lahat ng mga kasama sa ProV,

    Ang pahina na ito ay mananatiling bukas para sa diskusyon ng mga isyu na may kinalaman sa problema ng mga manggagawa.

    Subalit nirereserba namin ang aming karapatan na magdesisyon kung ma-ililimbag ang anumang mensahe, komento o pananaw na maaring makasira sa reputasyon ng mga indibidwal o personalidad.

    Mangyari po lamang na ating ilimita ang ating diskusyon sa isyu lamang at hindi sa mga personahe.

    Mabuhay kayong lahat.

    Webmaster

  17. Dati rin po akong empleyado ng ProV at masasabi ko lang po ako po ay lubos na nalulungkot sa kinahihinatnan ng nasabing kumpanya. Ako po ay naniniwala na sa kasabihang, “ang bulok na barko, kahit pinturahan mo, kahit anong galing ng kapitan, masisira at lulubog din ito”. Mahirap para sa akin na di maniwala na baseless ang mga akusasyon na iniharap ng mga nagreklamo dahil nung ako ay nasa nasabing kumpanya, isa na marahil ako sa mareklamong empleyado noong panahon kong ito.

    Gagamitin ko lang po ang isang pahayag ng isang Indyano sa akin noong nakausap ko ito, “ProV, they promised me a lot of things… Ajit, told me a lot of fancy things. In the past few months I’ve been here, I see nothing. They just lied to me, offered the best things but I’ve seen nothing. Be careful of Ajit, he is a salesman, he can buy you off with his words… I tell you this because I know you are smart and even you’re young, I know you will see they just cheated you.” Marahil kilala ninyo na kung sino ang indyanong ito na sa kalagitnaan ng isang importanteng trabaho, bigla na lang ito naglaho na parang bula. Gago man ako, pero di ako tanga… Inisip ko marahil tama nga siya.

    Sa kapwa natin Pilipino na tatawagin kong talangka… Nawa’y makatulog ka sa bawat gabi na ibinibigay sa iyo ng Poong Maykapal.. Nawa’y kung may asawa at anak ka, matiis mong ipakain sa kanila ang mga pagkaing nabili mo na kasama pagyurak mo sa kapwa mo. Nawa’y para sa mga nawalan ng trabaho at mawawalan pa dahil sa pagtulong mo sa mga banyagang mapanlinlang at mapangapi ay wag mangyari ito malaunan sa pamilya mo. Kung kaya mong tiisin lahat ng mga ito… Saludo ako sayo.. Nakita ko na ang heneral ng impiyerno.. karma na lang bahala sa iyo.

    Sa mga natitira kong kaibigan at kasamahan sa ProV, maging matatag kayo. Wag kayo susuko sa hamon ng buhay. Salamat sa DOLE sa pagtugon niyo at pagaasikaso sa mga kapwa natin na nangangailangan ng tulong.

    Muli, Saludo ako sa mga manggagawang Pilipino! Na kahit saan mang panig ng mundo, kilala at di papatalo ang Pilipino.

    Crisostomo Ibarra

  18. Nagagalak akong batiin ang lahat ng mga aktibong sumuporta sa ating mga panawagan para sa pagbabago. Nawa’y magkaroon ng saysay ang ating ipinaglalaban. Sa gitna nito, ako ay labis na nalulungkot sa mga katulad ni “tahimik” at ng iba pa na tila kampi pa sa mga “dayuhan” kaysa sa kanilang mga kababayan.

    Ano ba ang ipinaglalaban natin dito? Hindi ba’t ito rin ay para sa ikabubuti ninyo at nanglahat ng mga manggagawa na doble ang pagod at oras ng trabaho? Sa ngayon ay tanggap na ng PROV INTERNATIONAL ang pagbabayad ng karampatang bayad sa mga OVERTIME at mga NIGHT DIFFERENTIAL at HOLIDAY PREMIUMS. Sa katunayan ay sila pa ngayon ay nagsusuma ng mga oras para paghandaan ang pagbabayad ng mga oras na nagugol na sobra sa kung ano ang kinakailangan lamang.

    Sa mga balitang ito, hindi ba kayo nagagalak na sa wakas ay mababayaran na ang mga pagsasakripisyo ninyo nang hindi pag-uwi ng maaga para sa mga mahal ninyo sa buhay para lang matapos ang trabaho? Hindi ba kayo masaya na kahit papaano ay magkakaroon na nang pagbabago kung sakali mang tumalima ang kumpanya sa ating panawagan at babala ng DOLE?

    Sa lahat ng pakikibaka, alam ba ninyo na ito ay para sa inyo at hindi para sa amin? Isinakripisyo namin ang aming mga reputasyon, oras at pansariling mithiin para itaguyod ang kung ano man ang makakabuti sa lahat. Sa gitna ng lahat, ang tanging hinihingi namin ay harapin ninyo ang katotohanan at isulong din sa inyong pamamaraan ang pagbabago at pagwasto ng kung ano man ang mali na nakikita ninyo.

    Malapit na nating marating ang tagumpay. Tanging ang inyong kooperasyon at pagkakaisa ang kinakailangan upang makamit natin ang kaganapan ng ating mga sakripisyo at pagtataguyod ng ating paniniwala. Nawa’y huwag sana nating kalimutan na mas higit na mahalaga ang kapakanan ng nakararami at ang pagtangkilik sa kung ano ang tama laban sa mga makasariling hangarin.

    Sa mga taong taliwas ang paniniwala ang pagkiling sa mga isyu na nabanggit, malaya kayon gmagbasa ngunit huwag na sana ninyong sirain at guluhin ang pahinang ito na sumisimbolo ng mga kaisipan ng nakararami. Nilikha ang sulating ito para maisigaw ang mga panawagan at isyu ng mga empleyado ng PROV INTERNATIONAL at hindi magpasiklab ng away at gulo sa ating lahat maging indiyano man o Pilipino.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s